Kinuha ko ang tuwalya sa sampayan at akoy nagtungo na sa paliguan, sarado ang pinto ibig sabihin may gumagamit pa. Nagtungo ako sa harap ng bodega (ang bodega at cr namin ay pasilyo lang ang pagitan) at umupo sa tubong bakal na bahagi ng ginagawang bakod o kaya ay harang sa harapan ng aming opisina.
May mga dumaan ng mga empleyado hindi ko alam kung ano skill kasi mukhang bago pa, hindi ko nga alam kung ano pangalan. Binati nya ako "Goodmoring Sir", tumango lang ako.
Hindi nagtagal dumaan si pareng Sunny na tingin ko mag-papunch in palang sabay sabi, " sir maliligo kana? wala na tao sa CR". Tumango lang ako sabay tayo at nagtungo n sa CR.
Gayon pa man, para inyong kaalaman, wala ako sa bahay ako ay nakitulog lamang sa isa mga quarters ng mga karpintero dito sa pinapasukan kong trabaho. Nagkataong kasi nag-siuwian sila kahapon (Lingo). At wala din ako sariling tirahan ddito sa Metro Manila. Kung saan saan lang ako nakikitulog, dati sa pinsan ko nakatira sa Antipolo ako tumutuloy, sunod byenan kong lalaki ako nkikituloy, sa Las Pinas. Tapos ang nitong huli sa byenan kong babae naman sa Pasig.
Medyo magulo hindi ba? hehe.
Pero inyo ring malalaman sa mga susunod na araw.
Binuo ko blog na ito noong una para sa Organikong Pagsasaka, ngunit hindi naman ako updated hinggil dito kay minabuti ko na ibahin ang nilalaman nito.
(0958hr Biglang tumong aking CP, tumawag si SuperMario ako daw magasikaso sa production ng mga merchandise na ipapadala sa Palawan nitong Miyerkules...hayyysssst eto na naman...)
Paano, sa susunod na lang ulit. Hanapbuhay na muna...
No comments:
Post a Comment