....alas dyes y medya na ako nagising kanina....
pero tinaatamad pa akong mag-ayos sa aking sarili, parang ambigat ng ulo ko. masama pati panalasa ko.
higa ako ulit. may kainitan na sa kwarto. at wala na din yung kasama kong karpintero. siguro umuwi na sa kanila. kakarating din galing ilo-ilo.
tulog ako ulit,
nang may bigla ulit nangising sakin..
ahhh yung pintor na pinagbilinan kong gisinging ako ng alas onse...
sir?... banayad niyang sabi, nakatlong tawag siya ng sagutin ko siya... "alas onse na po sir".. sabi sakin ..
ok mkua... salamat sabi ko.
tsaka siya umalis.
aghhh... pagbangon ko parang hindi ko pa kayang balansehin ang katawan ko. mas mabigat ang ulo ko....
pero hindi naman na kumikirot tulad ng dati. coke kasi chaser namin kanina.
nag-one bottle kami kanina pagdating namin galing calapan.
parang normal na din ang ganitong senaryo kapag galing sa trabaho.
kahit pinagbawal na ang paginom ng alak dito sa compound ng trabaho. kung anu-ano ang npagusapan. mga kwento ng araw araw na senaryo sa trabaho. mga kanya-kanyang karanasan sa bawat isang yugto ng buhay bilang isang utusan. Karaniwang maririnig ang mga hinaing ng isang (hamak?) na trabahador. sa bawat pagpukpok at pagbaon ng mga pako, kasama sa pagbaon ng pako ang mga karanasan sa bawat mpangaalipustang edukadong indibidwal na nakakasama sa mga lakaran.
Sa bawat pagtunga ng mapait, matapang sa panalsa at mainit sa lalamuan na likido, kasabay ng mga halakhak at walang katupusang pagpupugay sa kanilang sariling kaganapan. bagamat pansamantala lamang, dito nailalabas ng bawat isa ang mga hindi kanai-nais na parte ng buhay ng isa maliit na mangagawa.
Sa bawat bote ng inumin aming nauubos, lalong napapalit sa isat-isa ang pag-ikot ng paligid ng buhay kaakibat ng mga pasanin na pinipilit iwaglit, pansamantala.
Ako man minsan nang sumuko, ngunit aking napagtanto dahil sa ganitong pagkakataon... bakit kaya nila samantalang ako na nakabili ng mas maayos na aklat eto at nagkakasya sa pamumuhay sa ilalim ng dambulang anino?
Marami na akong natutunan na mahalagang aral sa buhay mula sa mga taong ito at hindi na din mabilang ang bote na aming tinumba. Minsan ako din, nagagalit sa kanila dahil sa mga simpleng bagay lang na hindi kayang masundan. Ngunit habang lumalawak at humahaba ang aking pagunawa sa kanilang sitwasyon.
"Kung ikaw ang nakakaintindi, dapat ikaw ang magpasensya"
Huwag mong isuot ang sarili mo sa kanilang kalagayan. Dahil kung pareho lamang kayo, sigurado naman maayos ang lahat.
"Ako ay walang pinagkaiba sa inyo", tanging lamang ko sa inyo ay aking tinapos...
No comments:
Post a Comment