Friday, May 18, 2012

Breaktime-05

At meron din proyekto sa tindahan na aming pag-tatrabahuan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, kansela ang aming gawa ibig sabihin hindi pa namin pwede ipasok sa tindahan yung aming produkto dahil hindi naman pala alam ng pamunuan ng tindahan ang aming gagawin at dahil hindi pa daw approbado sa pamunuan ng tindahan ang aming proyekto.Subalit ginawa pa ring namin ang aming trabaho. Karpintero, pintor at electrician.


At yung grupo nina MS meron din pala idedeliver...

at yung nga, nagkaroon ng probelema ang kanilang grupo. Mali ang sukat na kanilang ginawa, kaya hindi rin naideliver. kaya nang gabing yun. konti lang ang nagawa ng kanilang grupo dahil yung ibang mga tao nila hindi din nakapasok gawa ng hindi sila kasama sa listahan ng gagawa.


kaya kinabukasan Game 5 ng Miami Vs. Dallas (2011 NBA Championship). hehehehe 


nagsabi ako sa mga kasamahan ko na panoorin namin muna yun laro sa TV.

at eto na nga, nasa hulin minuto na ng laro nang nagtxt sakin si MS. Kung pwede daw kami na lang ang magre-repair ng kanilang module kasi nga maliiit yun ginawa kumpara dun sa paglalagyan at dahil yun mga tao JB ay mga puyat din at sabi tutal "wala naman daw kami ginagawa"...

Sabi ko, mas maganda siguro kung masukatan muan yung paglalagayan para sigurado ang trabaho kung sakaling babaguhin na yung module. "Ok kua sabihan mo na lng si JB".
Ano ako pa ang magsabi sa kanya? samantalang magkakasama na kayo?

At sinabi ko. Yung tao nyo nga pinabayan nyo lang kagabi sa store.
Sumagot si MS. kuy pumunta pa kasi kami sa sorsogon eh. alam mo naman na sabay yung gawa namin...
"bakit? tatlo na kayo ah... tapos nagkaka-probelma pa project nyo? sabay sabi ko ulit...


Malapit na matapos yung laro ng NBA...nagkakantyawan na nga sa kwarto kasi kung matalo ang heat tapos na ang pulong..hahahah.

Nagtxtr ulit si MS. pero hindi pala siya yun, si bisugo pal ang nagpadala ng mensahe. Kalanga daw namin tapusin agad yung modlue kasi klangan nang ideliver mamayang gabi.

Sagot ko naman ok.
Nang matapos na laro tsaka kami nagbihis na, papunta na sa inupahan namin bahay na giawa namin bodega.

pagbaba ko pa lamang mula sa truck. Tumawag si bisugo. "Asan na kayo? tanong niya...
sabi ko naman nandito na po kami sa bodega...

"Kalangan nyong tapusin agad yan kasi last night na myang gabi ang gawa sa store ..puyat kasi tao ni JB, tutal wala naman kayong ginagawa...sabi niya sakin.


Medyo nagpantig yung pandinig ko sa aking narinig.
Parang biglang umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo.
Nanginig ang buo kong katawan!

Ano? sinong nagsabi na wala kaming ginagawa dito? sarkastikong sagot ko...

"Kilala mo ba kausap mo? stanong ni bisugo..

Oo kilala ko.. sagot ko..

"Aba. Gumalang ka naman!

Nanginginig na buo kong katawan, talagang hindi ko na makontrol ang sarili ko...

Nagtxt ako sa kay bisugo... maigsi lamang ang txt ko pero bakit antagal ko nagawa..

sabi ko, kung humihigi ng paggalang sa iba, pag-ralan mo munang galangin ang iyong sarili!

Sigurado ako sa sarili ko sa mga sinasabi ko, sorry  na lang siya sakin.
Dahil hindi ako yung tipong tintitigan ang mali...

Alam niyo kung ano hindi ko nagustuhan kay bisugo?
Yung pagsasabi niya ng isang statement na hindi man lang niya nikita ang tunay na pangyayari o eksaktong sitwasyong  nagaganap.

Thats sutpidity isn't it?

Ngayon pagbalik ko sa Manila, usap-usapan na pala ang tunglkol sa nangyari.
Meron nga ako narinig na na kinausap daw niya yung boss namin at ang sabi mag-bibitiw daw siya sa kanyang tungkulin kung hindi ako tatanggalin....

Pero mga parekoi, sampung buwan na angnakaraan ng mayari yun senaryo na yon...

eh... andito pa ako...

hehehehe,,, tingin ko mas kilala ako ng boss namin kung ano pagkatao, dahil minsan nasita niya na rin ako
tungkol sa pag-uugali ko..so, nag-karoon tuloy ako ng pagkakataong mag-paliwanag sa kanya...


sa susunod ulit mga parekoi...










No comments:

Post a Comment