.....mmm
Nalate ako sa ocular kanina. Napasarap kasi ako sa tulog. Buti hindi ako sinabon ni SM.
Paano kasi yung isang boteng pampatulog lang sana na Empe Light eh naging dalawa, tapos ng mabitin pa, alam na,,, naging tatlo.
As usual, wala na namn ako matandaan kkung paano ako nagpaalam sa tropa. Habang tumatagal ganto ang nangyayari kapag tinatamaan na ko ng spirito ng alak.
1030hr... nag akoy gisingin ni Madamme, alas otso pa raw ako hinahanap ng aking ka-meeting. hindi man lang kasi ako ginsing ng mga tao dito. Kala siguro nila napuyat ako sa trabaho....
Pagkabangon ko, umupo lang ako saglit sa sofa (meron kasi sofa sa printing room eh). Tapos dali dali na akong lumabas, salikod na ng gusali ako dumaan.
Kuniha ko ang aking sabunan at nagtungo na sa paliguan. mga ilang tabo lang ayos pagkatapos magsabon sa katawan. hindi nanga ako nagshampoo pa (pero ang totoo yung bagong bili ko na shampoo ay nasa cabinet ko sa loob ng opisina.
Pagkatapos kong magbihis nag-punch in na ako at lumakad na. Sumakay ng ordinary bus at Megamall ang sinabi kong bababaan. Nagtxt ako DF, "sorry nalate ako ng gising", nagreply siya kailangan daw 11:30 nasa HO na ako. "No way!" hindi kaya ..isip ko. nang mapansin ko medyo matraffic.
Habang nasa biyahe, iba yung pakiramdam ko. parang kakatapos ko lang mag-inom. Parang gusto kong magkalat. yung kinakain ko egg pie ay parang hindi ko na kaya ubusin. Parang lalo yatang sumama ang katawan ko pagkatpos kong inumin yung ice cold coffe. Hmmm. bahala na...
Konting alog lang ng bus, parang naguunahan lumabas ang aking kinain. Ano ba ito, sabi ko tuloy sa sarli ko na aya ko na talagang uminom ng alak. Ilang beses ko din ito sinasabi sa aking sarili pero bakit kaya hindi ko magawa. Meron ngang panahon na kamiy nakita ng taga HO nag-iinom sa compound ng aming trabaho.
Lumipat ako ng pwesto ng bumaba ang pasahero malapit sa bintana.
Parang hindi ko talaga kayang magbiyahe, sa bus. Hilo pa talaga ako. bahala na si batman!
Naisip ko mas maigi ciguro kung mag-mrt na lang ako.
Bumaba na ako, sa may Ayala mrt station. Nag-MRT na ako, sa Edsa Shaw ako bumaba. Nagtxt ako kay DF, baka pwede daanan nyo na lang ako sa One San Miguel Ave... Nag-reply siya, "hindi pwede mas malapit ang occ sa tiendesitas (nasa tiendesitas daw yung kameeting namin).
What ? ewan ko hindi niya ata naintidihan yung sinabi ko, kaya nagtaxi na lamang ako papunta sa opisina. Inabot din 71php yung pasahe ko... sariling pera to ha!
Gabi na din ng maghiwahiwalay kami ng mg kasama ko. Sumama na lang ako pagahatid sa kanila para hindi na din ako magastusan pa tutal service naman ng aming kumpanya ang sasakyan.
May nagtxt sakin si PDC. Ako daw hahawak ng MJ project sa HO. Gulat ako dahil ang abiso naman sa akin ay yung kraft para sa mindoro at refurbishment works sa citimart. Ang gulo talaga ng ganitong sistema. Basta na lang ingunguso kung kanikanino ang ang project...
Pasado alas siyete na nang makarating kami sa Production Office.
Malamang naiinip na din yung naghihinatay sa akin si MS. Meron lang naman daw siya ipapaliwanag tungkol samga gagawin buaks sa calapan.
Well anyway, ngayong lang kami ulit nagkasama sa project mula nang matapos namin yun project niya sa 168 mall. Medyo naging shaky nitong mga nakaraang paguusap namin gawa ng isang pangyayari na hindi ko nagustuhan.
Ang totoo naman, hindi sa kanya (MS) talaga ako galit eh, kay Bisugo. Ayaw ko lang kasi yung gingawan ka ng statement na hindi naman totoo. Nangyari ito sa isang project namin sa Bicol. Nagkataon pa na iisa yung lokasyon na aming inupahan.
At meron din proyekto sa tindahan na aming pag-tatrabahuan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, kansela ang aming gawa ibig sabihin hindi pa namin pwede ipasok sa tindahan yung aming produkto dahil hindi naman pala alam ng pamunuan ng tindahan ang aming gagawin at dahil hindi pa daw approbado sa pamunuan ng tindahan ang aming proyekto.Subalit ginawa pa ring namin ang aming trabaho. Karpintero, pintor at electrician.
At yung grupo nina MS meron din pala idedeliver...
itutuloy natin to sa susunod mga parekoi!
No comments:
Post a Comment