Tagal naman mag-alas dose, tsk tsk tsk...
Kanina pa kumkalam ang sikmura ko. Buti my binigay si RD na burquillos at galletas galing dun sa south. Kahit papaano naibsan ang gutom ko kanina.
Siyanga pala,nakuha ko na kaninana yung report na klangan para sa production naman papadala sa Palawan.
Dalawa agad. Klangan daw Huwebes ay maipadala na sa Palawan. Ewan ko sa mga heads dito? lagi na lang nagmamadali.. o sadyang nagyayabang lang.
Kung minsan mas malala ang sablay pag ganintong senaryo ang nagyayari. sabagay hindiu naman akin nagagasto sa mga walang saysay na desisyon.
Ika nga sumunod ka na lang sa agos. Sabagay malaki sigurado naman ako malaki ang kinikita ng kumpanya.
Hayssst... Isang oras pa....tagaaaaal..
Buti nga nakautang ako ng pagkain ko kaninana tanghali, alas dos na din ako nakakain ng almusal at pananghalian.. medyo sumasakit ulo gawa ng pagkagutom.
Bukas may lakad kami site inspection sa antipolo, klangan pala maaga magising pero paano ako tutulog ng maaga..? dami pa tao dito sa opisina..(minsan kasi kapag meron overtime ang mga karpintero, dito ako sa opisina natutulog)...haaayyy..
Paano mga bossing ... bukas ulit...
ps.
Nagtxt pala si misis kanina.. wala daw Vaccine kontra Hepa sa Center... kaya malamang ay sa bayan papabakunahan si bunso...
No comments:
Post a Comment