... at yun na nga...
akala ko noong una, itong trabaho ginagawa sa napasukan kong kumpanya ay may kaugnayan dito sa aking natapos na kurso. Unang araw ko pa lamang ay nagpakilala na ako sa mga taong aking nadatnan. Si AS, sa graphics, kasalukuyan siyang may ginagawa noon nang lapitan ko siya. Sa kanya ako unang nagtanong kung saan yung (ngalan ng kumpanya) . Sabi niya "oo" dito nga" sabi niya.
"Bakit pinadala kaba ng opisina dito? tanong niya
Opo sagot ko naman..
Ahhhh,, ikaw siguro yung makakasama ko dito sa aming departamento...sabi niya...
Ehhh,, hindi ko alam basta po pinadala ako tapos hanapin daw kita at magpapaturo mag operate ng machine... ang sabi ko..
"Mmmm.. siguro nga ikaw nayun nirequest ko na makakasama ko. sabi niya..
Hindi ko sigurado pero yun ang sabi akin sa opisina...tugon ko..
Noon ko napansin na may kasama pala siya..isang lalaki na may mahabang buhok at katamtaman ang lang ang laki ng katawan. na kalaunan ay nalaman kong kamag-anak ng asawa ng department head namin.
Nagtanong ako ulit, san po yung mga tao dito?
Nasa likod sila. yung ay out of town may mga project kasi sa probinsya...paliwanag niya..
Pinuntahan ko kung saan yung tinuro niya sa akin. Naabutan kong may ginagawa sila, mga pintor. nagtanong ako sa isang lalaki (siya si Jess nalaman ko nalang kanyang pangalan ng kalaunan) sino po ang pinakaforeman niyo?
Itinuro sakin ang isang medyo maskuladong lalaki, na sa tantiya ko ay nasa pagitan lamang ng trenta y singko hanggang kwarenta. Bata siya tingnan, marunong magdala ng sarili. |Siya si kuya LT. Foreman. Magandang araw po. Bati ko. ako po yung bagong PS niyo. tapos inabot ko ang aking palad at nagkamay kami. Sabay pakilala ko sa aking sarili.
Tapos ay naglibotlibot ako ng bahagya sa area. Nagmasid sa mga ginagawa nila. napansin kong parang mga kabinet yung mga ginagawa. minamasilyahan nial yung makapal na plywood at pagkatapos nililiha.
Bumalik ako sa pwesto ni AS. Kung anu ano ang npagkwentuhan. Hangang sa may dumating na lalaki. Galing daw sa project sa labas...
Hindi napansin ang oras na lumipas, hapon na. Uwian na ng mga tao. Akoy Nagpaalam na din.
Maghapon akong wlang ginawa dahil hindi naman dumating yung deaprtment head namin ng araw na yun...dahil ang bilin sa akin mula sa opisina, sa kanya ko tatanungin ang aking magiging trabaho...
Hindi ko na din maantay pa at dahil pagabi na nagpasya na din akong umuwi.
At ito unang araw ko sa sa pinasukan kong trabaho...
No comments:
Post a Comment