Alas dose na, hindi pa pala ako nag-almusal. Wala na po kasi akong budget. Huling kain ko kahapon ay panangahalian. Dalawang order na kanin at ginataang Tulingan. Ang hapunan ang dalawang piraso ng nilagang itlog ng manok. Kaya siguro nahirapan akong makatulog agad.
Kagabi or kaninang madaling nagtx pa misis ko hirap daw "maging nanay?" at yung bahay namin puro tuluan Kapag inintindi mo mga ganitong mga senaryo sa iyong trabaho, nakui ewan ko lang kung hindi nganga ang abutin.
Gutom na ako, kaya lang wala akong pambili ng makakain. Mangungutang na naman kaya ako? o antayin ko na lang sahod. Mamaya pa madaling araw yun. Sabagay nakakabusog din naman yun energen, Ganun din naman ininom kaninang umaga.
(Mangan sir")_ sabi nitong kasama kong lakay dito sa opisina sabay lumabas na siya.
Noong huli akong nangutang ng pagkain, nagka-problema pa. Sinisingil ng may-ari samantalang ako'y nakabayad na. Ang mali lang kasi hindi agad namarkahan yung lista ko noong magbayad ako. Sabagay humingi naman ng pasensya si Ate.
Hayyyyy... maghapon na naman siguro walang magawa dito sa opisina kundi mag-FB, mag-youtube, mag-antay ng Utos, magbrowse ng mga larawan ni Jun Ji Hyun. Siyanga pala nitong nakaraang Lingo ko lamang napanood yung "My Sassy Girl" ( http://www.youtube.com/watch?v=dIF0BPteEgY&list=PL1AD21B417CAA89CC&index=62&feature=plpp_video ) at "Windstruck" (http://www.youtube.com/watch?v=CnsN4NB3dxM&feature=related ) sa youtube. Pinapanood ko yung "Sex is Zero" nang makita ko sa sidebar yung "My Sassy Girl".
Kung hindi pa po ninyo napapanood, at interesado kayong panoorin ito, unahin po ninyo panoorin yun "Windstruck" bago yun "My SassyGirl"....
Maganda yung kwento....
Gayun pa man...
Eto nga bumalik n si supermario (12:27nn) pero wala pa din yung hinihingi sa akin na report. Paano wala feedback dun sa kinukuhaan ko....
12:29nn , nagreply na si RR, email daw niya yung report mahina daw kasi signal sa loob..(loob siguro ng mall?)
Tsk tsk tsk.. gutom na talaga ako..makadilihensya nga muna ng makakain! bahala na!
Sige mga Bossing...
No comments:
Post a Comment