Saturday, May 26, 2012

Breaktime-12

...mga parekoi

isa na namang makabuluhang araw ang nangyari kahapon.
itong dalawang IS namin dito may ginawang report tungkol sa isang empleyado na tulog daw ayon sa report.
nagroving daw itong dalawa na ito ng madaling araw. at hindi daw nila nakita ang empleyado sa kanyang pwesto. tapos nang nakita na lang daw nila itong nagpunch-out.



ngayon sabi ko naman, pano natulog yung tao eh, andun ako ng oras na nagroving sila.?
kinausap sila ng dept head namin.

Pinatawag yung empleyado. nakasalubong ko, sabi wag ka mag alala. sabihin mo lang nakita kita at nandun ako ng oaras na yun.


kumakalam na ang sikmura ko ng oras na yun. kaya kuamain ako sa labas.
pagbalik ko, sinabihan ako ng isang IS bakit ko daw pinagtatakpan yung tao?  aba gago otng isa na ito ah? isip ko lang. bakit ko naman pagtatakpan kung mali ang kanyang ginawa! ayusin niyo kasi ang trabaho nyo? magreport kayo ng tama. tsaka ako umalis... pagbalik ko sa opisina nadatnan ko pang may kausap si Dept Head. pagalis  ng ng kanyang kausap lumapit ako sa kanya.

sir bakit itong isang IS natin pinagsabihan akong pinagtatakapan ko yung tao. gusto ko lang pasinungalingan yung report nung dalawa. kasama ko yung empleyado ng oras na magroving sila kaya hindi totoo na tulog empleyado habang naka-time in pa sabi ko...

tsaka ako lumabas. tinungo ko yung pwesto ng dalawang IS!
PI ka sabi ko sa kanya.ayusin nyo angtrabaho nyo ha!
huwag kayong gagawa gawa ng report na hindi naman totoo. sabi ko
bakit ba kasi pinagtatakpan niyo ang mga tao nyo... sabi sakin ng isa...
PI ka talaga noh sabi ko ulit sa kanya... nanginginig na kao sa galit...tsaka ako umalis.

nagtungo sa kabilang dept at nagpalamig,,, mas malamig kasi ang temperatura dun. mas malaki yung aircon nila tsaka tatlo pa. doon ko pinkalma ang saril ko...

whatta day huh?



Friday, May 25, 2012

Breaktime-11

...mga parekoi...
Talagang pinilit ko nang bumangon kanina ng alas siyete y medya... kahit pupungas -pungas pa. nagpunta na ako sa paliguan. masakit ang aking talampakan at mga kasu-kasuan, gawa siguro ng paglalaro ng basket ball.
minsan kasi inaabot kami ng madaling araw sa paglalaro.

Medyo gumanda na nga ang kodnisyon ng katawan ko ngaun dahil nakakapagpawis na kao kahit papaano.
Noong unang laro namin , hindi pa kami nakakahalati talagang pagod na ako, habo-habol na hininga ko. hehehe
hindi naman ako magaling maglaro ng basketball, basics lang naman ang alam ko. pero dati kasi, yung mga sinasabi nilang magagaling maglaro sa amin sa probinsya eh kayang kong sabayan, kapag nagkataon nga kaya ko silang supalpalan, isang daan at pitomput dalawang sentimetro lang taas ko.(172cm). abot ko yung ring kapag tumatalon ako noong araw. ngayon kasi medyo bumigat na ang timbang ko. hindi ko na kayang tumalon tulad ng dati.

Gayunpaman, pasalamat na din ako at kahit paano may mapaglibangan sa oras ng breaktime.
Nakakawala din stress sa trabaho. para maging positbo ang ating mga pananaw.

sa ngayon binigyn ako ng project. este problema pala. kung kailan nagkaletse-letse na tsaka naman sa akin ibibigay. siguro ganun na papel ko. ang huling hinawakan kong project ay sa parteng timog ng luzon. inabot lang naman kami ng tatlong araw na magdamagan.

Nagyabang na naman kasi ang isa sa senior officers namin. kaya daw ng isang gabi, kinbukasan pwede na daw ideliver?... anak ng beef naman.!!! itong babae na ito kala mo kung sino makapgyabang eh. unang salpak niya sa kumpanya sablay na agad! sa davao nangayari yun. buti na lang hindi ako yung napapunta doo. pangalawa niyang hawak sa bicol. ganun din nangyari, sai ng mga taong kasama niya, ayos na daw ang lahat ng bigla daw may napansin at gusto niyang ipabago. yari nah nah. back to zero sila.

tapos ngayon naman, itong isang epal na hambog naman, kahapon lang medyo sumablay din, hindi pala, sablay daw talaga kasi tlagang binago yung dala nila. ewan ko lang kung paano nila ito pinagtatakpan o kung paano sila nagpapalusot sa opisina. kasi kailangang malinis sila. dapat lagiung maayos ang gawa nila. walang sablay. sabi ng kasamahan ko kahapon, kung sa atin nangayari yan, alam agad sa opisina, mabilis ang balita, naka-MRT." aniya... oo nga eh, bahala sila. sabi ko naman.

kagaling din nioya sa central visayas kahapon. nagkita sila ng isang foreman namin," kua , useless din naman yung pinadala mo sa akin kasi hindi rin namin nagamit" sabi niya sa foreman, "ahh, ganun ba? ang tanging nabangit... ni hindi man lang nagpasalamat ang epal! inasikaso na nga ang kailangan niya tapos pa ang sasabihin. hindi ko sigurado pero para bang pinaringan niya ako, kasi isa din ako sa nagasikaso sa kailangan niya. ayaw nga siyang pagbigyan ng materyales na kailangan niya kinailangan pang kausapain ko yung pangabing namamahala sa bodega. .. \"kapal talaga ng mukha nito" tsk tsk tsk..tsk


mas maigi pang asikasuhin ko na lang itong problemang binigay sa akin...hehhehe
at isa namang ito, wala din sa ayos na kausap. Siya si NM, nagusap kami na lunes na i-turn over yung dalawang module. tapos kahapon tumawag na kailangan daw niya sa raw na yun.> tae naman...
Tinanong ako ng aming head kund anong oras ko kayang ibigay, hindi ko diretsang sinagot ang tanong niya. sabi "sir akala ko ba lunes na yung dalalwa, kasi hindi kaya ngayon." yun lang ang sinabi ko. tsaka ako tumayo at lumabas.

sa ganitong senaryo kasi kami  nadadale, sa pagmamadali wala sa ayos ang gawa. tapos kailangan daw pulido ang gawa...kasi bad shot na daw siya sa kliyente. sabi ko naman, bigyan mo ako ng sapat na oras para lang maayos natin itong project mo. sabi ko sa kanya." kasi matagal na ito eh" sagot niya sa akin."
matagal na? kahapon lang sa akin binigay ito! sarkastikong sagot ko.
sa isip ko lang mdadale sa akin ito kapag pinilit niya ang gusto niya... sa bandang kanan naman ng utak ko, relaks ka lang, hinahon lang... kaya medyo nagpreno ako sa emosyon ko... dumistansya ako...

hay naku...kawawa naman kaming hamak na trbahador lamang. hindi naman kami mga magician eh... sa isang pitik andiyan agad ang gusto.
 .....


o mga parekoi, baka maparami ako...  next time ulit..

Thursday, May 24, 2012

Breaktime-10

...isa na naman ordinaryong araw ang lumipas mga parekoi....

Pilit ko mang iwaksi ang mga walang kwentang kuro-kurong bumabagabag sa aking isipan. Pero habang tumatagal eh parang lalo naman yatang sinasadya ng pagkakataon mangyari ang mga bagay na lalo lamang nagpapatibay sa mga bughaw na ideolohiya na kumakatawan sa baluktot na pamamaraan.


(malalim noh? depyutix naman!)

Sa katunayan, hindi lang ako ang nakakapansin. ako nga lang yata ang huli na sa balita kasi ang mga balitang aking lamang narinig galing din naman sa kasamahan namin sa head office. Minsan ayaw kong maniwal. kasi ang naniniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili, di ba? hehehe

Pati nga yung mga banat laban sa aking trabaho o yung mga kritiko may kinalaman sa kalidad ng aking patrabaho sinisilip (daw?) din. Anyway, Critism leads to developement ika nga, pero ang masakalap niyan tintira ka naman ng pa-dougie... awwww.. sakit nyan!

Totoo yun mga parekoi! noong una maayos pa yung mga koordinasyon namin dito sa trabaho. nagtutulungan, nagbibigayan, at higit sa lahat... NAGDADAMAYAN! (as in kung may problema damay ka! hahahah)

walang pataasan ng ihi.
walang silipan ng mga mali.
walang sisihan.
walang urungan sa trabaho.
at higit sa lahat walang SIPSIPAN!

...mmmm..tsk tsk tsk.. yung kasing ibang mga pilipino, ang gusto isang hakbang lang nasa tuktok na sila.
Sabagay, kung sino yung malapit sa paa ng landlord malapit sa biyaya, pero kwidaw kayo mga parekoi, kasi yung malapit sa paa ng landlord ay sila din yun madaling masipa diba? nyahahaha...

Minsan hindi ko na nga pinapansin kasi nakakawala ng konsentrrasyon sa trabaho. kaya nagpapapansin talaga! ano pa nga mgagawa ko, hirap naman makipagplastikan lalo na kung araw-araw na lang lagi kong nakikita! tsaka hindi ako yung tipong hindi marunong makipagplastikan eh! kung galit, galit talaga ako, bahala na ang mga Avengers! hehehe...

Kung kelan going straight na ako, tsaka naman umeksena ang kumag na kupal na hambog na maangas na ito! astig siya noh?... pero alam ko na ang limitasyon ko ngayon, karaniwan kasi, hindi ako yung nangungunsinti ng mali! hindi ako yung matiyagang nakikinig sa mga walang kwentang dayalogo! kung kinkailangan kong sumagot, aba! bakit hinde! pinag-aral ako ng aking magulang para matuto. para malaman ang tama. hindi ko naman kailangan malaman pa ang mali eh! pinupuna na lang ba yun?heheheheh

Basta't alam kong nasa katwiran ako, bumabanat talaga ako sa tamang pagkakataon... tinitiyak ko naman mga parekoi na mas kilala ko ang aking sarili kesa sa iba! alam ko kung saan nakatuntong ang mga paa ko.
kaya sorry na lang sila sa akin...

Pero ano nangyari? ako ngayon ang talunan sa organisasyon.

lahat ng diskarte sa kanila.
lahat ng papuri sa kanila.
lahat ng piniling project sa kanila

kailangan lang nila kumayod nang husto. kailangan lang hindi sila maubusan ng kargada.

kapag ngumiti sila, siyempre ngiti din ako...hindi nila kung bakit ako napapangiti sa kanila.
may mga sitwasyon pa nga medyo saliwa... heheh na para bang naghahagilap ng mga titik para lang may maibigkas sa akin... halatado na eh...
sinusulat ko ito ngayon para lang kahit papaano maibahagi ko sa iba ang mga ganitong klase ng karanasan.
na maaring magbigay ng patnubay sa alinmang karerang tatahakin.

ngunit sa totoo lang mga parekoi....
wala ring silbi kung papairalin natin ang simbuyo ng ating ating damdamin. mas mataas ang posisyon ng ating utak kesa sa ating puso. hayaan anting pagdesisyunan ng ating utak ang puso. kasi minsan kapag galit tayo, hindi tayo makapag isip ng matino .. hindi po ba?

minsan napagsabihan ako ng isang prominenteng tao sa lipunan...
"alam mo kapag galit ka, umatras ka at huminga ng malalim, hindi mo kailangang manalo,
 hindi mo matatalo yung sitwasyon dahil wala kang maiisip na maayos,"

Oo mga parekoi, tama Siya...

Tuesday, May 22, 2012

Breaktime-09

... at yun na nga...
akala ko noong una, itong trabaho ginagawa sa napasukan kong kumpanya ay may kaugnayan dito sa aking natapos na kurso. Unang araw ko pa lamang ay nagpakilala na ako sa mga taong aking nadatnan. Si AS, sa graphics, kasalukuyan siyang may ginagawa noon nang lapitan ko siya. Sa kanya ako unang nagtanong kung saan yung (ngalan ng kumpanya) .  Sabi niya "oo" dito nga" sabi niya.

"Bakit pinadala kaba ng opisina dito? tanong niya
Opo sagot ko naman..
Ahhhh,, ikaw siguro yung makakasama ko dito sa aming departamento...sabi niya...
Ehhh,, hindi ko alam basta po pinadala ako tapos hanapin daw kita at magpapaturo mag operate ng machine... ang sabi ko..
"Mmmm.. siguro nga ikaw nayun nirequest ko na makakasama ko. sabi niya..
Hindi ko sigurado pero yun ang sabi akin sa opisina...tugon ko..
Noon ko napansin na may kasama pala siya..isang lalaki na may mahabang buhok at katamtaman ang lang ang laki ng katawan. na kalaunan ay nalaman kong kamag-anak ng asawa ng department head namin.

Nagtanong ako ulit, san po yung mga tao dito?
Nasa likod sila. yung ay out of town may mga project kasi sa probinsya...paliwanag niya..
Pinuntahan ko kung saan yung tinuro niya sa akin. Naabutan kong may ginagawa sila, mga pintor. nagtanong ako sa isang lalaki (siya si Jess nalaman ko nalang kanyang pangalan ng kalaunan) sino po ang pinakaforeman niyo?

Itinuro sakin ang isang medyo maskuladong lalaki, na sa tantiya ko ay nasa pagitan lamang ng trenta y singko hanggang kwarenta. Bata siya tingnan, marunong magdala ng sarili. |Siya si kuya LT. Foreman. Magandang araw po. Bati ko. ako po yung bagong PS niyo. tapos inabot ko ang aking palad at nagkamay kami. Sabay pakilala ko sa aking sarili.

Tapos ay naglibotlibot ako ng bahagya sa area. Nagmasid sa mga ginagawa nila. napansin kong parang mga kabinet yung mga ginagawa. minamasilyahan nial yung makapal na plywood at pagkatapos nililiha.

Bumalik ako sa pwesto ni AS. Kung anu ano ang npagkwentuhan. Hangang sa may dumating na lalaki. Galing daw sa project sa labas...

Hindi napansin ang oras na lumipas, hapon na. Uwian na ng mga tao. Akoy Nagpaalam na  din.
Maghapon akong wlang ginawa dahil hindi naman dumating yung deaprtment head namin ng araw na yun...dahil ang bilin sa akin mula sa opisina, sa kanya ko tatanungin ang aking magiging trabaho...

Hindi ko na din maantay pa at dahil pagabi na nagpasya na din akong umuwi.


At ito unang araw ko sa sa pinasukan kong trabaho...






Breaktime-08

.../// mga parekoi. medyo maalinsangan ang panahon ngayon.
hindi nga kayang palimigin ng aircon ang aming opisina. at sa totoo lang pawisan na ako.

Ngayon ay araw ng martes....may kabilisan ang paglipas ng araw, hindi namalayan.
kalahating araw ang pasok ko kahapon. Bumili ako ng mga pansariling gamit sa malapit na grocery. Umabot din ng pitong daan ang aking pinamili kasama na yung dalawang t-shirt.

Paguwi ko, tsaka ako naglaba. minsanan lang kung akoy maglaba kasi kung maraming project hindi na naasiakso ang sarili. malago na din itong buhok ko. baka bukas o makalawa makapagpagupit na. Sadya ko rin naman pinahaba ito dahil gusto ko din sanang ma-experience yung may mahabanng buhok.
 Sabi nga sa pelikulang il mare "ito ay regalo" . opo kahapon ko inumpisahan panoorin yung "il mare" maganda yung kwento...kaninang umaga ko tinapos yung ibang parte inabot na kasi ako ng antok.

Ngayong araw, halos maghapon na naman akong walang ginagawa dito sa opisina. mamaya ko gagawin yung working drawing para sa susunod na aming proyekto.

Ewan ko ba, ang daming mga tanong ang naglalaro sa aking isipan....hayyyyysssst...
ito ay tungkol sa mga kasamahan ko dito sa trabaho. ewan ko pero sigurado akong may mali....
nakikita ko sa kanilang mga mata, hindi maaring magtago ng lihim ang mata.  para sa akin. parang naiintindihan ko kung ano saloobin ng isang tao. bawat kurap ng mga mata, animoy nagbibigay sakin ng isang pangungusap na may pansariling mithiin. kahit sinasabi ng iba, mapalinlang daw ang mga mata?. . . mmm

May mga bago kaming mga kasama mga junior officers. itong isa medyo feeling close na kami at ito namang isa ay mapagpakumbaba. Magalang siya sa mga senior nba empleyado ... ibig kong sabihin ay yung mga mas nauna sa kanya dito sa kumpanya,,, naisip ko tuloy, siguor naimpluwensyahan na ito ni Mr. Carless Whisper. kasi siya ang lagi niyang kasama.

Noong una ganoon din Mr. Careless Whisper, magalang, down to earth ang dating, hindi nagtagal aba, level-up agad ang siste.? siguro ginagamit lang niya yung posisyon bilang isang senior officer? heheheh ganun ba yun?

Ganito kasi mga parekoi...

Noong pumasok ako dito sa kumpayang ito. kakaunti lang yung empleyado dito. yung admin staff dito sa production department ay tatlo, at syempre pang-apat na ako. si JB, AS, at si SM. nasa maayos na pamamalakad ito noon. taong 2009 nang makapasok akosa kumpanya, summer noon. sa jobstreet ko lamang nakita ang advertisement. sinubukan ko lang mag-aplay. taong 2008-2009 kasi ay nagbalik eskwela ako dahil hindi ko natapos ang aking pag-aral noon 2004. taong 2005 nang ako unang makapgtrabaho sa manila sa isang General Construction Company.ipinasok ako ako ng isa sa mga nakatapos na din sa kolehiyo na kababaryo ko.

itong kumpanyang napasukan ko ngayon ay medyo malayo sa aking pinag-aralan na kurso. isip praktikal na lang ang ginamit ko, dahil noong una, nang akoy mainterview, buong akala ko may kaugnayan sa mga interior design and construction ang linya ng kumpanya na ito. iyon batay sa mga tanong saking ng tagaHR nila. Ngunit hindi naman pala. sa katunayan malapit na akong magtatlong dito. hehehehhe nakapagtiyaga din.

Sa loob ng mahigit dalawang taon ko sa kumpanya ay napakaraming nangyari na hindi ko inaasahan na mangyari. na minsan kapupulutan ng aral. Kung saan saan parte ng pilipinas ang narating ko. pinkamalayo sa Davao... hehehehe... siyempre may kaugnayan sa trabaho.

Pero dito sa kumpanyang ito ko natutuinan ang isang mahalagang aral na kailanman hindi ko ito kakalimutan. At akin ring ipapasa sa mga atong nakapaligid sa akin.

Marami akong naging kaaway ngunit mas marami naman aking naging mga kaibigan. Ang mga kaibigan ko? Sila yung mga mga nakakahalubilo ko araw-araw. Sila yung mga kasa-kasama ko sa mga lakaran. Sila yung mas higit na nakakaintindi sa aking emosyon. Sila yung mga nakakaunawa sa desisyon ko. Kaya sabi ko nga sa kanila, "basta nasa tama lang tayo, kahit hangang patayan kaya ko kayong ipaglaban.

marami na din akong naksabayan nakapasok, yung iba sa main office. pero hindi rin sila nagtagal, yung iba anim na buwan nag-resign na. at yung iba naman umabot din ng taon tsaka naisipang umalis. at meron din akong mga nadatnan sa trabaho o yung mga datihan nag-sipagresign na din. karamihan sa kanila mga naging mabuti sa amin, kaya nakakamiss din pala kahit sa konting panahon lang na kasma sa mga lakaran. ehhehehe..

(habang sinusulat ko pala ito, panapatugtog ko CANON D Pachellebel variations ni George Winston. ito yung ginamit sa pelikulang "My  Sassy Girl" sa eksenang dinalaw ng bidang lalaki ang babae sa kanilang eskewlahan at inabutan ng rosas. tinugtog ito ni Jun Ji Hyun sa piano.)


may mga pagkakataon kasi na hindi maiwasan yung mga problema sa trabaho. Gawa ng mahigpit ng iskedyul, kaya minsan gipit sa oras at hindi kaya matapos yung proyekto sa nakatakdang araw. Imbes na unawain sana ang sitwasyon, pilit pang hinahanap kung nasaan ang mali at kung sino nagkamali. sa ganitong pagkakataon madaling  umiinit ang aking ulo. lalo na kung puyat ako yung tipong wala pang tulog sa loob ng dose oras, tapos hindi pa nakapg-almusal? nakoww.. ito yung pinaka-ayaw ko sa lahat, ito pinaka-kalaban ng aking budhi! yung pinagsilbihan mo nga SILA tapos may pagkakamali ka lang makakarinig ka pa ng hindi maganda. Tutulog ka na nga lang tatawagan ka pa, para lang ipamukha yung mga mali. bikit hindi na lang sana pagisipan yung solusyon sa problema kesa sandamakmak na sisi ang maririnig. talagang tatanungin lahat, kung sino yung taong gumawa non', kung bakit ganon ang ginawa?, at kung marunong ba talaga yung taong gumawa?,, at iba pang walang saysay na mga tanong! demet!!! anak ng beef naman!!!


...itutuloy natin sa susunod na breaktime mga parekoi...








Monday, May 21, 2012

Breaktime-07

....alas dyes y medya  na ako nagising kanina....
pero tinaatamad pa akong mag-ayos sa aking sarili, parang ambigat ng ulo ko. masama pati panalasa ko.
higa ako ulit. may kainitan na sa kwarto. at wala na din yung kasama kong karpintero. siguro umuwi na sa kanila. kakarating din galing ilo-ilo.

tulog ako ulit,
nang may bigla ulit nangising sakin..
ahhh yung pintor na pinagbilinan kong gisinging ako ng alas onse...
sir?... banayad niyang sabi, nakatlong tawag siya ng sagutin ko siya... "alas onse na po sir".. sabi sakin ..
ok mkua... salamat sabi ko.
tsaka siya umalis.

aghhh... pagbangon ko parang hindi ko pa kayang balansehin ang katawan ko. mas mabigat ang ulo ko....
pero hindi naman na kumikirot tulad ng dati. coke kasi chaser namin kanina.
nag-one bottle kami kanina pagdating namin galing calapan.

parang normal na din ang ganitong senaryo kapag galing sa trabaho.
kahit pinagbawal na ang paginom ng alak dito sa compound ng trabaho. kung anu-ano ang npagusapan. mga kwento ng araw araw na senaryo sa trabaho. mga kanya-kanyang karanasan sa bawat isang yugto ng buhay bilang isang utusan. Karaniwang maririnig ang mga hinaing ng isang (hamak?) na trabahador. sa bawat pagpukpok at pagbaon ng mga pako, kasama sa pagbaon ng pako ang mga karanasan sa bawat mpangaalipustang edukadong indibidwal na nakakasama sa mga lakaran.

Sa bawat pagtunga ng mapait, matapang sa panalsa at mainit sa lalamuan na likido, kasabay ng mga halakhak at walang katupusang pagpupugay sa kanilang sariling kaganapan. bagamat pansamantala lamang, dito nailalabas ng bawat isa ang mga hindi kanai-nais na parte ng buhay ng isa maliit na mangagawa.
Sa bawat bote ng inumin aming nauubos, lalong napapalit sa isat-isa ang pag-ikot ng paligid ng buhay kaakibat ng mga pasanin na pinipilit iwaglit, pansamantala.

Ako man minsan nang sumuko, ngunit aking napagtanto dahil sa ganitong pagkakataon... bakit kaya nila samantalang ako na nakabili ng mas maayos na aklat eto at nagkakasya sa pamumuhay sa ilalim ng dambulang anino?

Marami na akong natutunan na mahalagang aral sa buhay mula sa mga taong ito at  hindi na din mabilang ang bote na aming tinumba. Minsan ako din, nagagalit sa kanila dahil sa mga simpleng bagay lang na hindi kayang masundan. Ngunit habang lumalawak at humahaba ang aking pagunawa sa kanilang sitwasyon.

"Kung ikaw ang nakakaintindi, dapat ikaw ang magpasensya"
Huwag  mong isuot ang sarili mo sa kanilang kalagayan. Dahil kung pareho lamang kayo, sigurado naman maayos ang lahat.

"Ako ay walang pinagkaiba sa inyo", tanging lamang ko sa inyo ay aking tinapos...


Saturday, May 19, 2012

Breaktime-6

...isang na namang nakababatong araw...

Magandang araw sa inyo mga parekoi!

nitong mga nagdaang araw, napapansin ko na parang tinatamad na naman akong bumangon ng maaga.
kanina tumonog ang alar, ko ng alas-siyete ng umaga,,,

pinatay ko lang at tsaka natulog ako ulit. alas-otso y medya na ako nakabangon kanina, ramadam ko kasi parang nangangalay na ang tagiliran ko, at maingay na sa labas. gumagawa na mga karpintero.

pagbangon, wala akong naramdaman na pagkahilo o kaya'y pagbigat ng aking ulo... sabi ko sa isp ko "ayos, sabi na nga ba at magaling talaga ang coke na pang-chaser. kasi kapag purong tubig ay talagang iba ang tama sa akin ng alak...

napainom na naman ako kagabi, pampatulog lang. medyo nahihirapan na kasi akong makatulog ng maaga. gawa ng sunod sunod na puyat.

parang ordinaryo na sakin ang pagtulog ng madaling araw..ala-una o kaya'y alas dos ng madaling araw.

Noong byernes pala (Friday may 18, 2012), nagpunta kami sa Mindoro. meron kaming diniliver doon. madaling araw pa ng umalis kami d2 sa manila. sakto alas-kwatro na ng umaga. medyo alangan ko sa pagsakya sa ganitong uri ng sasakyan dahil hindi ako marunong lumangoy. sabi ko nga kay FDL kung meron sana flight papunta Calapan ay mage-eroplano na lang sana ako.

Tinanong ako kung bakit ayaw ko sumakay sa barge, sabi ko, mas maganda kasi yung eroplano, kasi kapag nagkaaberya sa taas at bumgsak, one-click lang hindi ka mahihirapan. kapag naman sa barge nagkaaberya at lumubog, mamatay ka na nga, papahirapan ka pa. lalangoy ka pa ng lalangoy eh... hehehehe weird d ba..
pero totoo yun kaya ayaw kong sumakay sa barko. HINDI AKO TAKOT. ayaw ko lang talaga sumakay.

ito ang pangalawa kong pagkakataon sumakay sa barge. una sa Sta Ana, noong nag-sight seeing kami sa Palaui Island.

dalawang oras at kalahati ang biyahe namin sa mula manila. dumating kami sa pier ay menos kinse bago mag-alas syete na. nag-olomi pa kasi kami sa may rotonda ng startol. ako ang taya.

pagdating naimn sa pier, hindi rin kabisado pa ng aming driver ang sistema pagpasok. sa weighing bridge kami dumaan. sinita kami ng gwardya, dahil hindi daw pala kami dapat dumaan dun. kasi maliit na sasakyan ang dala namin. magbayad daw kami ng otsenta pesos. kaya sabi ni CB drayber namin, atras ako?
tapos sumenyas yung gwardya na papasok na kami, at dumiretso na nga kami sa waiting area. bale dalawang sasakyan dala namin. yung isa ay closed delivery van nakasunod lang sa amin.

medyo exited pa rin ako sa mga sandaling yon....
nang bigla nagparamdam ang aking tiyan... medyo kakaiba, parang may humahalukay sa loob. naku pambihira naman dito pa inabot. naghanap ako ng palikuran. IHI=5p DUMI=10p..
nakapaskil na plakard sa labas ng palikuran. heheheh/// karamihang palikuran ata dito sa pinas ay ganito na kalakaran...

iisa lamang ang palikuran sa loob ng banyo, tsaka meron din dalwang urinals. malinis naman at wala masangsang na amoy. sabi ko ayos to...heheheh pero ang palikuran ay hangganmg dibdib lanng yung partition  nya kaya kapag may umihi sa katabing urinal tiyak makikita ako ako.

kaya ginawa ko yumuko ako ng bahagya. hayyy salamat. nakaraos din... hehehe..
pagbayad ko tinanong ako ng bantay ng palikuran na nasa labas, "umihi ka ba?..
hindi po sagot ko. kaya sampu lang binayaran ko,, isisp isip koy' hehehhe kala mo mauutakan moa ako ha!
syempre kapag sinabi mong umihi ka eh di sisingilin ako ng kinse pesos..hahahha

at hindi nagtagal pinapasok na kami sa loading deck. hanagang sa makapasok na kami pagkakuha ng mga mahahalagang impormasyon mula sa amin.

at meron din pala dito yung mga taong naninisid ng coins, yung mga binabato ng mga pasahero....
pero medyo mahina yata ito..kasi hindi lahat ng barya ay nakukuha...

umakyat ako sa deck ng barge.. kuha ng larawan ..heheheh unang first time eh ?papunta mindoro..
inabot din ng dalawat kalahating oras ang biyahe ng barge na sinakyan namin nasa pantalan na kami ng Calapan....

hindi na namin inabot pa yung una naming lakad,nagsabi ako kay MS ng oras ng pagdating namin.
"sige kua salingo na lang po, pag pulout.." sabi niya..
hinanap namin ang lokasyon ng  Convention. madali lng namin natunton kasi may dala akong mapa galing sa google. ganito ginagawa ko kapag hindi ko pa napupuntahan ang lugar.

tsaka kami naghanap ng kainan, meorn silang pinuntahan daw noon na kainan kaya yun ang hinanap namin. kasi itong mga kasama ko dati nang nakapunta dito sa calapan.
Maraming lutong ulam ang nakadisplay, at ang daming taong kumakain, ilan lang ang bkanteng mesa.
tinanong ko kung ano yung special delicay  nila doon. sabi sakin ng waitress ay yung tilapia daw na parang sinaing ang pagkaluto may balot na dahon ng saging at meron din talong, pechay, itlog, at may gata ng niyog.
"Sinanglay" daw tawag sa luto na yon.. eto tingnan nyo yung larawan mga parekoi..


ang sarappppp... sa katunayan nga akoy nakaubos ng tatlong cup ng kanin...hindi ko maipaliwanag ang eksaktong lasa... pero iisa lang masasabi ko... ngayon lang ako nakatikim nito.
isang order na "sinanglay, apat na kanin (yung isa binigay ko sa kasama ko) sa halagang 74.00p solved na.


itutuloy natin sa susunod na breaktime mga parekoi... kain muna...