Wednesday, October 9, 2013

Pagbabalik.

maraming nangyari
pero hindi naisulat

maraming pagbabago
ngunit hindi naitala

sa bawat pintig ng aking pulso
hangarin ng isang makatao

nasa butil at uhay ng bawat patak ng dugo

eto po muli,
hindi natin namalayan,
higit isang taon na ang nakaraan.

Saturday, September 8, 2012

sept 8

huh?

anong petsa nah, mual huli kongpagbisita mga parekoi!
medyo nagbisibisihan lang..
ngayon ikawalong araw ng buwan setyembre taong 2012..sa mga nakalipas na araw, lingo maging buwan, ay pipilitin kong magbalik tanaw sa mga mahahalagang pangyayari sa aking buhay.

may mga pagbabagong natunghayan
sa isang  maliit na kahon,
iniikutan ng malalaking katawan
kanya kanyang mga mithiin
kung sinu sinu ang dapat sundin,

palitan ng kuro kuro
ngunit iisa man ang panalo
ang lahat na nkinig sa bawat payo
hindi magawang tibagin ng tao

boses mo man parang kulog
ngunit sa malawak na ilog
dito lamang mahuhulog
mga pinanday na ginto at iyong tinubog
mawawalan ng halaga pagkat ako'y hambog

sinilip mo ang simbuyo
ng bawat kasapi sa grupo
ngunit bakit wlang pagsamyo
mga problemang bato sa kanto
na pinukol ng isang pulitiko

palayain yaring isip
sa rehas ng isang bagyong malupit
pansamantalang bigakasin
ang isang matiwasay na hangarin////






Thursday, August 23, 2012

JUST BACK

hey fellas... i'm back..

have been silent for the long time....

mustah mga parekoi?

Friday, June 29, 2012

Breaktime-14

aishhhh!

kumusta mga parekoi!

medyo matagal din akong hind nkapag- update mga parekoi...anong petsa na? hehe
sa mga nakalipasa na lingo, eh marami nasaksihan na aking ikinagalak, at ang iba naman ay aking ikinalungkot....

mga pagbabago sa panasariling mithiin, pag-asa, at napipintong tagumpay.
ngunit tila mailap pa rin sa aking ang mga pagkakataon na pakiwari koy antagal ko nang hinintay subalit
parang halimuyak lamang ng isang namumukadkad na bulaklak sa hardin na aking nasamayo,,, at pagkatapos lumipas ang bango nito.

marami akong gustong mangyari sa aking buhay. nasa yugto na ako ng buhay na kailangan nang harapin ang mga tunay na pagsubok sa buhay. sa estado na kailangan balikatin ang nakaatang na obligasyon na aking tinalikuran ilang saglit sa aking kamunduhan. ngunit eto na ngat pilit kong tinutupad ang responsibilidad.

....mahirap man pero kailangan kong balansehin, ang aking sariling pamilya at buhay may-asawa, pangatlo na jan ang buhay sa trabaho.

hindi lingid inyong kaisipan na may mga taong nababalutan ng anino ng karangyaan. subalit sa kabilang banda nito'y hindi naman sa kanilanmg sariling pawis ang kanilang puhunan kundi sa isang tulad isa ring maralita, utusan, at alipin. sumusunod sa mga utos na kung minsan pati pamilya ay kailangang magsakripisyo, nguit sa aking pansariling pananaw, kaiba ako sa ordinaryo natin mamayan na kahit anong  gusto ipagawa ng amo ay kanyang sinusunod.

na kahit anong kautusan ng kumpanya ay kayang sundin.
ako naman ay isang masunurin na empleyado sumusunod sa mga regulasyong ipinapatupad ng kumpanya. pero oras na pamilya ang nangailangan ng aking presensya, kahit pa matnaggal ako sa trabaho anumang oras bastat matugunan ko lamang ang aking tungkulin sa aking pamilya. iisang prinsipyo  pagdating sa trabaho. at kahit siguro sa inyo mga parekoi, ika nga eh, family first before anything else.

....sa ngayon minsan naman nsubok ang king katatagan ng pagiisip. ewn ko sa knila kung mali ako, pero sa tingin ko tama lang aking mga naging desisyon.

....paao mga parekoi... next time ulit... gandang umaga!!!

Friday, June 8, 2012

Free Malayan OF tHE WEST: Breaktime-13

Free Malayan OF tHE WEST: Breaktime-13: ./. magandang araw mga parekoi! tagal din hindi ako nakapag-update noh... malakas ang ulan nitong mga nagdaang araw, gawa ng isang tropical ...

Breaktime-13

./.

magandang araw mga parekoi!

tagal din hindi ako nakapag-update noh...

malakas ang ulan nitong mga nagdaang araw, gawa ng isang tropical depression sa bandang Samar.

yung bahay namin sa porbinsya hindi ko naaayos. sigurado puro tulo na naman sa loob. gawa ng hindi maayos na pagkalagay ng bubong.

Ikawalong araw na ng buwan ng hunyo... daming nakalipas na araw na punom puno na naman ng isang maaksyon, mdrama, at mainit na tagpo sa isang pahina ng buhay ng iyong lingkod.

Ang malaking tanong ko sa akign sarili, kung kailan patungo na ako sa isang matuwid na paglilingkod sa organisasyon aking kinabibilangan, ay tsaka naman umeksena ang mga kontribida sa kaing prinsipyo at adhikain. Hanggang sa hindi ko na makayanan ang mga sitwasyon na aking higit na iniiwasan. Oo, bagamat tayo'y tao, hindi maiwasan ang pagkakamali. Ngunit may mga pagkakataon kasi hindi tayo makapag isip ng naaayon sa tamang wisyo dahil ang ating pagiisip ay nababalot na ng mapanirang simbuyo ng ating damdamin. Sino nga ba ang makakapagisip ng tama kung ikaw ay wala nang kontrol sa sarili?

Sa isang banda, sa aking trabaho. Kailangan talaga ay maging isang perpekto sa anumang antas ng gawain. Dahil dito kumikita ang organisasyong kinabibilangan. Ang isang pagkakamali ay katumbas ng malaking halaga ng salapi na mawawala sa kikitain ng organisasyon. Kaya wala man sa ating katangian gumawa ng perpekto nang naaayon sa kagustuhan ng mga kliyente, ...mmm hindi pala kliyente kundi ang mga nagpapakitang gilas na mga senior officer.

Masasabi ko ito dahil sa personal kong karanasan sa isang kamay ng baguhan.... ang isang proyekto umabot ng kung ilang buwan bago ito natapos. Dahil gusto lamang pasikatan ang mga nakakataas sa kanya pati na din sa mga kliyente. Anong nangyari? nagkaletse-letse ang project. Ilang tao humawak sa project na ito? Inumpisahan ko, at ako pa din ang tumapos. Iniwan ko ang project na yun kasi nabuburyo na ako. halos gabi gabi na lang sige ang trabaho. As per plan daw, sige deal ako. pero parang hindi yata niya alam kung ano ang kanyang pinagsasabi.

Parang buhay estudyante nag nangyari eh. kapag hindi nagustuhan ang ginawa ipapaulit! eh samantalang As Per Plan nga eh!!! parang esquisse mga parekoi!!! na kapag hindi nagustuhan mamarkahan ng malaking letra R. ibgi sabihin, repeat! hehehe ganun nga ang nangyari. at abot ng aking alaala, dito na nagumpisa ang hindi magandang rekord ko sa organisasyon. Anong nangyari? ito yung tintawag nilang hugas kamay. kesa naman yung damit nila ang mamantsahan, eh damit ko ang pinanlinis sa dumi, ibabad man sa isang kubikong bleach walang epekto sa tindi ng mantsa! kasi mga parekoi, kahit minsan ka lang nagkamali lagin na itong natatandaan ng tao, samantalang noong ika'y gumawa ng maganda para sa orginisasyon, eh parang bang isang pabango, kinabukasan wala na halimuyak nito, di po ba? Natapos man ang project na ito ng maganda, maayos, at magarang kaanyuan, markado naman na aking kapalaran.

Kung kayat heto ako ngayon nasa balag ng alanganin. Mahihgit isang buwan na din ang lumipas mula nang akoy magbakasyon gawang tawag ng pangangailan, pero anong mga proyekto ba ang mga pinahawak sakin. sa totoo lang mga parekoi, kailangan ko ng todo kayod kaya kahit anong binibigay sakin tinatanggap ko na.

Nitong pagbalik ko, ang dami palang nangyari. Nalaman ko na lang may nagresign ng kalevel ko sa posisyon. ito ang kauna-unahang empleyadong nagresign sa gaanong posisyon. nagkaroon pala ng bangayan itong si Mr Angas at si Mr. D. Kamuntikan na daw nakatikim ng bukol itong si Mr Angas. hehhehe... hindi ko alam boung pangyayari, minabuti ko na din hindi alamin at wala naman saysay sa pang-arawaraw kong hanapbuhay.

hayyy buhay nga naman... ito naman huling binigay sa akin na project eh sakit din ulo. kelangan daw pulido!!! ok lang na pulido basta wag lang paulit ulit ang utos, di ba mga parekoi? ito pa naman yung isa sa pinakaayaw ko sa lahat. ONE WORD IS ENOUGH!!! di ba? hindi tayo mga batang may gatas pa sa labi!!!

Bigatin pala ang kliyente na ito. hehehe kaya pala ganun  na lamang ang pressure na nararamdaman ng aleng ito. kung bakit kasi sa baguhan pa pinahawak sa ang project na ito ... tsk tsk tsk... ang hr pa namin ay hindi nagsasagawa ng orientation!!! kaya pagsalang sa labanan, NGA NGA ang inabot! hindi pa nga natatapos pinasa na naman sa baguhan! ano ba yan? at lalaki pa, nagkakabiruan tuloy kami ng mga kaopisina ko, mas maganda daw lalaki ang kasama sa project kesa sa babae kasi kapag sa babae, hangang bunganga lang tayong mga lalaki. Samantalang kapag lalaki ang makakasama, tabla na. kapag nagkainitan pwede nang daanin na lang sa boksing... di ba mga parekoi.

masusubukan nga kaya namin? ewan ko lang pero tingin ko malabo din mangyari. at huwag sanang hingin ng pagkakataon!

...mmm alas tres y media n ng madaling araw. mamayang alas sais may lakad pa... siguirado pag matulog pa ako nito, mahihirapan naman akong gumising ng maaga...sabagay nakahanda naman na ang aking grupo.

bahala na...

, Paanginoon bigyan mo po kami ng ibayong lakas sa aming trabaho, sana hindi kami magkaroon ng anumang suliranin sa aming trabaho. gabayan mo po kami sa mga kilos at gawa...amen


Saturday, May 26, 2012

Breaktime-12

...mga parekoi

isa na namang makabuluhang araw ang nangyari kahapon.
itong dalawang IS namin dito may ginawang report tungkol sa isang empleyado na tulog daw ayon sa report.
nagroving daw itong dalawa na ito ng madaling araw. at hindi daw nila nakita ang empleyado sa kanyang pwesto. tapos nang nakita na lang daw nila itong nagpunch-out.



ngayon sabi ko naman, pano natulog yung tao eh, andun ako ng oras na nagroving sila.?
kinausap sila ng dept head namin.

Pinatawag yung empleyado. nakasalubong ko, sabi wag ka mag alala. sabihin mo lang nakita kita at nandun ako ng oaras na yun.


kumakalam na ang sikmura ko ng oras na yun. kaya kuamain ako sa labas.
pagbalik ko, sinabihan ako ng isang IS bakit ko daw pinagtatakpan yung tao?  aba gago otng isa na ito ah? isip ko lang. bakit ko naman pagtatakpan kung mali ang kanyang ginawa! ayusin niyo kasi ang trabaho nyo? magreport kayo ng tama. tsaka ako umalis... pagbalik ko sa opisina nadatnan ko pang may kausap si Dept Head. pagalis  ng ng kanyang kausap lumapit ako sa kanya.

sir bakit itong isang IS natin pinagsabihan akong pinagtatakapan ko yung tao. gusto ko lang pasinungalingan yung report nung dalawa. kasama ko yung empleyado ng oras na magroving sila kaya hindi totoo na tulog empleyado habang naka-time in pa sabi ko...

tsaka ako lumabas. tinungo ko yung pwesto ng dalawang IS!
PI ka sabi ko sa kanya.ayusin nyo angtrabaho nyo ha!
huwag kayong gagawa gawa ng report na hindi naman totoo. sabi ko
bakit ba kasi pinagtatakpan niyo ang mga tao nyo... sabi sakin ng isa...
PI ka talaga noh sabi ko ulit sa kanya... nanginginig na kao sa galit...tsaka ako umalis.

nagtungo sa kabilang dept at nagpalamig,,, mas malamig kasi ang temperatura dun. mas malaki yung aircon nila tsaka tatlo pa. doon ko pinkalma ang saril ko...

whatta day huh?