Friday, June 29, 2012

Breaktime-14

aishhhh!

kumusta mga parekoi!

medyo matagal din akong hind nkapag- update mga parekoi...anong petsa na? hehe
sa mga nakalipasa na lingo, eh marami nasaksihan na aking ikinagalak, at ang iba naman ay aking ikinalungkot....

mga pagbabago sa panasariling mithiin, pag-asa, at napipintong tagumpay.
ngunit tila mailap pa rin sa aking ang mga pagkakataon na pakiwari koy antagal ko nang hinintay subalit
parang halimuyak lamang ng isang namumukadkad na bulaklak sa hardin na aking nasamayo,,, at pagkatapos lumipas ang bango nito.

marami akong gustong mangyari sa aking buhay. nasa yugto na ako ng buhay na kailangan nang harapin ang mga tunay na pagsubok sa buhay. sa estado na kailangan balikatin ang nakaatang na obligasyon na aking tinalikuran ilang saglit sa aking kamunduhan. ngunit eto na ngat pilit kong tinutupad ang responsibilidad.

....mahirap man pero kailangan kong balansehin, ang aking sariling pamilya at buhay may-asawa, pangatlo na jan ang buhay sa trabaho.

hindi lingid inyong kaisipan na may mga taong nababalutan ng anino ng karangyaan. subalit sa kabilang banda nito'y hindi naman sa kanilanmg sariling pawis ang kanilang puhunan kundi sa isang tulad isa ring maralita, utusan, at alipin. sumusunod sa mga utos na kung minsan pati pamilya ay kailangang magsakripisyo, nguit sa aking pansariling pananaw, kaiba ako sa ordinaryo natin mamayan na kahit anong  gusto ipagawa ng amo ay kanyang sinusunod.

na kahit anong kautusan ng kumpanya ay kayang sundin.
ako naman ay isang masunurin na empleyado sumusunod sa mga regulasyong ipinapatupad ng kumpanya. pero oras na pamilya ang nangailangan ng aking presensya, kahit pa matnaggal ako sa trabaho anumang oras bastat matugunan ko lamang ang aking tungkulin sa aking pamilya. iisang prinsipyo  pagdating sa trabaho. at kahit siguro sa inyo mga parekoi, ika nga eh, family first before anything else.

....sa ngayon minsan naman nsubok ang king katatagan ng pagiisip. ewn ko sa knila kung mali ako, pero sa tingin ko tama lang aking mga naging desisyon.

....paao mga parekoi... next time ulit... gandang umaga!!!

No comments:

Post a Comment