Friday, June 8, 2012

Breaktime-13

./.

magandang araw mga parekoi!

tagal din hindi ako nakapag-update noh...

malakas ang ulan nitong mga nagdaang araw, gawa ng isang tropical depression sa bandang Samar.

yung bahay namin sa porbinsya hindi ko naaayos. sigurado puro tulo na naman sa loob. gawa ng hindi maayos na pagkalagay ng bubong.

Ikawalong araw na ng buwan ng hunyo... daming nakalipas na araw na punom puno na naman ng isang maaksyon, mdrama, at mainit na tagpo sa isang pahina ng buhay ng iyong lingkod.

Ang malaking tanong ko sa akign sarili, kung kailan patungo na ako sa isang matuwid na paglilingkod sa organisasyon aking kinabibilangan, ay tsaka naman umeksena ang mga kontribida sa kaing prinsipyo at adhikain. Hanggang sa hindi ko na makayanan ang mga sitwasyon na aking higit na iniiwasan. Oo, bagamat tayo'y tao, hindi maiwasan ang pagkakamali. Ngunit may mga pagkakataon kasi hindi tayo makapag isip ng naaayon sa tamang wisyo dahil ang ating pagiisip ay nababalot na ng mapanirang simbuyo ng ating damdamin. Sino nga ba ang makakapagisip ng tama kung ikaw ay wala nang kontrol sa sarili?

Sa isang banda, sa aking trabaho. Kailangan talaga ay maging isang perpekto sa anumang antas ng gawain. Dahil dito kumikita ang organisasyong kinabibilangan. Ang isang pagkakamali ay katumbas ng malaking halaga ng salapi na mawawala sa kikitain ng organisasyon. Kaya wala man sa ating katangian gumawa ng perpekto nang naaayon sa kagustuhan ng mga kliyente, ...mmm hindi pala kliyente kundi ang mga nagpapakitang gilas na mga senior officer.

Masasabi ko ito dahil sa personal kong karanasan sa isang kamay ng baguhan.... ang isang proyekto umabot ng kung ilang buwan bago ito natapos. Dahil gusto lamang pasikatan ang mga nakakataas sa kanya pati na din sa mga kliyente. Anong nangyari? nagkaletse-letse ang project. Ilang tao humawak sa project na ito? Inumpisahan ko, at ako pa din ang tumapos. Iniwan ko ang project na yun kasi nabuburyo na ako. halos gabi gabi na lang sige ang trabaho. As per plan daw, sige deal ako. pero parang hindi yata niya alam kung ano ang kanyang pinagsasabi.

Parang buhay estudyante nag nangyari eh. kapag hindi nagustuhan ang ginawa ipapaulit! eh samantalang As Per Plan nga eh!!! parang esquisse mga parekoi!!! na kapag hindi nagustuhan mamarkahan ng malaking letra R. ibgi sabihin, repeat! hehehe ganun nga ang nangyari. at abot ng aking alaala, dito na nagumpisa ang hindi magandang rekord ko sa organisasyon. Anong nangyari? ito yung tintawag nilang hugas kamay. kesa naman yung damit nila ang mamantsahan, eh damit ko ang pinanlinis sa dumi, ibabad man sa isang kubikong bleach walang epekto sa tindi ng mantsa! kasi mga parekoi, kahit minsan ka lang nagkamali lagin na itong natatandaan ng tao, samantalang noong ika'y gumawa ng maganda para sa orginisasyon, eh parang bang isang pabango, kinabukasan wala na halimuyak nito, di po ba? Natapos man ang project na ito ng maganda, maayos, at magarang kaanyuan, markado naman na aking kapalaran.

Kung kayat heto ako ngayon nasa balag ng alanganin. Mahihgit isang buwan na din ang lumipas mula nang akoy magbakasyon gawang tawag ng pangangailan, pero anong mga proyekto ba ang mga pinahawak sakin. sa totoo lang mga parekoi, kailangan ko ng todo kayod kaya kahit anong binibigay sakin tinatanggap ko na.

Nitong pagbalik ko, ang dami palang nangyari. Nalaman ko na lang may nagresign ng kalevel ko sa posisyon. ito ang kauna-unahang empleyadong nagresign sa gaanong posisyon. nagkaroon pala ng bangayan itong si Mr Angas at si Mr. D. Kamuntikan na daw nakatikim ng bukol itong si Mr Angas. hehhehe... hindi ko alam boung pangyayari, minabuti ko na din hindi alamin at wala naman saysay sa pang-arawaraw kong hanapbuhay.

hayyy buhay nga naman... ito naman huling binigay sa akin na project eh sakit din ulo. kelangan daw pulido!!! ok lang na pulido basta wag lang paulit ulit ang utos, di ba mga parekoi? ito pa naman yung isa sa pinakaayaw ko sa lahat. ONE WORD IS ENOUGH!!! di ba? hindi tayo mga batang may gatas pa sa labi!!!

Bigatin pala ang kliyente na ito. hehehe kaya pala ganun  na lamang ang pressure na nararamdaman ng aleng ito. kung bakit kasi sa baguhan pa pinahawak sa ang project na ito ... tsk tsk tsk... ang hr pa namin ay hindi nagsasagawa ng orientation!!! kaya pagsalang sa labanan, NGA NGA ang inabot! hindi pa nga natatapos pinasa na naman sa baguhan! ano ba yan? at lalaki pa, nagkakabiruan tuloy kami ng mga kaopisina ko, mas maganda daw lalaki ang kasama sa project kesa sa babae kasi kapag sa babae, hangang bunganga lang tayong mga lalaki. Samantalang kapag lalaki ang makakasama, tabla na. kapag nagkainitan pwede nang daanin na lang sa boksing... di ba mga parekoi.

masusubukan nga kaya namin? ewan ko lang pero tingin ko malabo din mangyari. at huwag sanang hingin ng pagkakataon!

...mmm alas tres y media n ng madaling araw. mamayang alas sais may lakad pa... siguirado pag matulog pa ako nito, mahihirapan naman akong gumising ng maaga...sabagay nakahanda naman na ang aking grupo.

bahala na...

, Paanginoon bigyan mo po kami ng ibayong lakas sa aming trabaho, sana hindi kami magkaroon ng anumang suliranin sa aming trabaho. gabayan mo po kami sa mga kilos at gawa...amen


No comments:

Post a Comment